Sa Hagupit Ni Yolanda, Nagkabuhol-Buhol Poem by Sonny San Juan, Jr.

Sa Hagupit Ni Yolanda, Nagkabuhol-Buhol

1. Ang laki sa layaw, magsalawal ma'y aliswag.

2. Ang di lumingon sa pinanggalingan, hindi makatatawid ng karagatan.

3. Ang bibig ng ilog iyong masasarhan hanggang wala ka sa langit.

4. Huwag kang magtiwala sa guhit, sa malabong mata'y garing pa rin.

5. Ang hirati sa bahag, karaniwa'y hubad.

6. Ang sakit ng kalingkingan, di makararating sa paroroonan.

7. Walang matimtimang birhen sa patak ng tubig lang naaagnas.

8. Masubali't sugat na mahapdi, ang pagkatalo ay palagi.

9. Pagkamatay ng sinag, ang bibig ng tao'y di matatakpan.

10. Ang panalo ay sakali sa matiyagang manalangin.

11. Mayaman ka man sa sabi, kung singili'y napopoot.

12. Ang taong nagigipit ay wala ring laban kapag nag-iisa.

13. Di man makita ang ningas kung patay na ang kabayo.

14. Natutuwa kung pasalop, sa patalim man ay kakapit.

15. Ang sungay ng usang mahalo sa garing, masamang bati ng katotong pili.

16. Batong-buhay ka man sa sakdal ng tigas, walang pintarong bayawak.

17. Ang di magsapalaran, dukha ka pa rin sa sarili.

18. Gaano man ang tibay ng piling abaka, damdam ng buong katawan.

19. Nasa diyos ang awa, aso ang magpapahayag.

20. Aanhin pa ang damo, nasa tao ang gawa. -

Tuesday, October 21, 2014
Topic(s) of this poem: Suffering
POET'S NOTES ABOUT THE POEM
The typhoon Yolanda inflicted both physical and spiritual disaster on the Filipino people. This poem reflects the configuration of the catastrophe.
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success