Pinoy - Limutin Mo Ako Poem by Masked lady

Pinoy - Limutin Mo Ako

Tahimik ka sa iyong kinauupuan
At muli ika’y aking napansin
Sa akin, ang mga mata’y nakatingin
Naghihintay sa aking pagtingin.

Hiling ko sana’y iyo ng tigilan
Gawi mo'y iyo ring kalimutan
Ikaw ay diko pwedeng ibigin
Sarili ko ay diko pwedeng lokohin.

Hiling ko ay iyong pakinggan
Sa iba iyo ng ibaling
Sinasabi mong pagmamahal para sa akin
Pagkat ito’y diko kayang tanggapin.

Ako’y limutin mo na hiling ko sa iyo,
Sapagkat ako sa iyo’y di nababagay
Kaibigan lang ang puwede kong ialay
Sana ito’y sapat na’t iyong matanggap.

Huwag mo akong hintayin,
Sapagkat sa aki'y wala kang mapapala
Humayo ka't humanap ng iba
isang tulad mong totoong malaya.



by: Masked Lady:
August 27,2008

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Masked lady

Masked lady

Manila, Philippines
Close
Error Success