Pinoy - André Poem by Masked lady

Pinoy - André

Dala mo ang sikat ng araw ng ika’y dumating,
Anong saya’t lahat ay tuwang-tuwa,
Ligaya’y walang mapagsidlan,
Biyaya ka sa buong angkan.

Kinatutuwaan ang lahat ng iyong gawi
Mula pag-iyak, pagtawa, pati na pagdumi,
Habang ika’y lumalaki, sayo lalo kaming nawiwili
Na ikaw ay yakapin, laruin, at hagkan.

Ubod ka ng likot, parang turumpong umiikot,
Mommy mo’y sigaw ng sigaw tuwing ulo moy nauuntog,
Sakit dimo ramdam, para kang si superman,
André tunay kang ligaya ng lahat.



Note: André is my first grandson and only grandchild.


Masked Lady
12.12.09

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Masked lady

Masked lady

Manila, Philippines
Close
Error Success