Pinahinog Sa Pilit Bunga Ay Mapait Poem by Marites C. Cayetano

Pinahinog Sa Pilit Bunga Ay Mapait

Walang sapat na paghahanda
walang sapat na pagsasanay
walang sapat na pagsusuri
digmaan ay isinulong
maraming buhay
ay napunta sa dilim
mga hininga'y nagpang-abot
mga balat ay magkadikit
yakap yakap
ng malamig na rehas
at semento
maraming buhay
ay nasayang
mga huling paalam
di naisatinig
di narinig.

Wednesday, August 17, 2016
Topic(s) of this poem: war
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success