Patawarin Mo Sana Poem by FRAGMENTS AND PIECES

Patawarin Mo Sana

minsan kong inisip na hindi kita iibigin
ayaw ko na sanang balikan ang natatago kong damdamin
ngunit kahit na anong pa ang aking gawin
nararamdaman ay sadyang nagtutulak sa akin
na kahit paminsan larawan mo ay silipin

patawarin mo ang puso kong ito
mali man na ikaw ay lubusang ibigin ko
kahit bawal na ako ay magsumamo
at magmakaawa ng tuluyan sa puso mo
ngunit di ko magawang itago ang totoo

noon pa alam kong naiinis kana
sa lahat ng nasabi sa tula ko sinta
ipagpaumanhin ang muling pag-aantala
sa mga dumaang lungkot at ligaya
sadyang di lang maiwaksi naiwang alaala

ilang ulit ko na ngang sinubukan
ang mukha mo ay tuluyang kalimutan
bakit hanggang ngayon ikay di maiwasan
nakaukit na sa puso at isip ang iyong larawan
ayoko na rin itong mabura kahit ako'y iyong inaayawan

gayon pa man muling hinihiling
sana ay pagbigyang minsan kang makapiling
puso ko'y pakinggan sa tunay na damdamin
maaari ba kahit sandaling ako'y tanggapin
sa puso mo ako ay patuluyin.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success