Pasa-Pasang Ngiti Poem by Princess Bernadette Anillo

Pasa-Pasang Ngiti

Dumating ng bahay bitbit ang balikat
Ang mata nalulula at kilay bumibigat
Kaladkad na ang takong, pudpod na ang sakong
Ang buhok sumasagabal sa mukhang malutong
Sa jeep kada preno muntikan ng tumalsik
Sa FX na maluwag, sa pwesto nasasabik
Hawak ang buong kayamanan sa likuran
Pilit pa ring kumaripas. Baka muling madukutan
Bilang na ang barya, kapos pa rin sa tuwa
Nabitin sa hampasang, parehong braso ay pasa
Madilim na ng mabulag, nabitin na sa usapan
Ngunit tuloy pa rin ang volleyball, tuloy pa rin ang laban
Kinukudkod na ng balat kong sapatos ang lahat ng gabok
Di bumigay sa pagpapagabing biyaheng mag-isa ang alok
Kahit siya'y umalis na, naiwan akong nakaporma
Naghihintay na mapamukha na sasalo ako ng bola
Parehong nakaantabay, naghihintay ng hanggan
Kailan ba mauuwi ang mga ulap sa ulan
Gabi na ng maulinigan, ako'y dapat maglisan
Ako'y dapat magising sa isang kinapapanaginipan
Nagpaalam akong wala na ang taong gumagambala
Kumaway sa mga kasamang, naglalaro ng kandila
Umiglip akong namalayang, di ako nakatulog
Pagkat ang tiyan ko ay naghahangad pang mabusog
Nauhaw ako at nagutom, ngunit ngiti'y umikot sa ulo
A may mga araw na natatapos ng ganito?
Sa dulo ng mga kanto, pumara na ng mahinahon
S ang boses, umaatras, nabasag na ng hapon
SIGAW PA RIN SIGAW! Kahit di natutusukan!
Ang karayom nabali na! Pero manhid pa ng kabiguan!
ANONG SILBI NG PASA! KUNG ANG SAKIT NAWAWALA!
KASABAY PA ANG PULANG MARKA NG MINTIS NA TADHANA!
ANONG SILBI NG PASA! KUNG ANG DUGO HUMIHINTO?
KASABAY PA ANG SAKIT NA NAGPAPASMA NG KIBO!
ANONG SILBI NG PASA! KUNG MAY SUGAT PANG BUKAS! ?
ANONG KAYA PANG ILABAS NG MINSAN NG NAGLAGAS!
MASAKIT NA ANG KATAWAN, BAGSAK SA HIGAAN!
PERO WALA PA RING NANGYAYARI! PAGKAT WALA PA RING MAANG! ! !

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Princess Bernadette Anillo

Princess Bernadette Anillo

Brgy. Ambulong, Tanauan City Batangas
Close
Error Success