Parang May Mali Na Poem by Captain Herbert Poetry

Parang May Mali Na

Lahat na lang ginagawang tama
Walang umaaamin sa sarili
Tuloy pa rin kahit labag na
Umuugat na at nagbubunga pa

Kailan ito itatanong sa isipan?
Hangad ng kalayaang walang taros
Ayaw na pakinggan ang katuwiran
Kabaluktutan na lang ang nagiging tuwid

Wala na nakikipaglaban sa dignidad
Umaagos lang kung saan nakakarami
Lumalakad kahit sa maduming kamunoy
Alam naman ang puti’t itim subalit sa abo ang kapit

Huli man malaman na parang may mali na,
Ay hahakbang ng unti-unti upang baguhin
Sa dalisay ng budhi sa kaibituran
Asal na tutupdin kahit nag-iisa na lamang.

Friday, April 24, 2015
Topic(s) of this poem: moral teachings
COMMENTS OF THE POEM
Bernadette Fernandez 08 May 2015

May aral na makukuha, Poem with moral lesson Sa dalisay ng budhi sa kaibituran Asal na tutupdin kahit nag-iisa na lamang..

0 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success