Para Sa Iyo Poem by FRAGMENTS AND PIECES

Para Sa Iyo

hindi man ako naging mabuti
dahil sa pagnanais kong akoy mapansin mo
hindi ko man naabot ang pinangarap kong kaligayahan
dahil sa aking katayuan at kalagayan
nais ko paring sabihin saiyo ang naramdamang kakaiba
na sa puso ko ay nagdulot ng tunay na saya

para sa iyo ang tulang ito
nagsasabing salamat sa pag-iintindi mo
sa minsan kong kalukuhan at pagsusumamo
alam kong may dahilan ka upang ako'y layuan
isa man dito na walang para sa akin ay nararamdaman

nais ko na rin itong gawing kanta
dahil sa nararamdaman kong lakas at sigla
sa tuwing ikaw ay aalayan ko ng bunga
ng aking pag-iisip na sayo ay sadyang lumigaya
kahit pa hangang dito lang ang hantungan ko sinta
lalasapin ko ang kahit kunting pag-ibig na aking makikita

para sa iyo ang tulang ito
nagsasabing salamat sa pag-iintindi mo
sa minsan kong kalukuhan at pagsusumamo
alam kong may dahilan ka upang ako'y layuan
isa man dito na walang para sa akin ay nararamdaman

kung ang patutunguhan ko'y lumayo
tatanggapin ko ito kung sadyang sa iyong puso
sarado ang ang mga bintana pati na ang pinto
kung kahit ang pagsilip ay di maaaring makisuyo
hahayaan ko nalang na tayo'y magkalayo
pagkat alam kong ikaw ay mananatili dito sa aking puso

para sa iyo ang tulang ito
nagsasabing salamat sa pag-iintindi mo
sa minsan kong kalukuhan at pagsusumamo
alam kong may dahilan ka upang ako'y layuan
isa man dito na walang para sa akin ay nararamdaman

nangangarap parin ako na ika'y mahagkan
kahit na ito'y sadyang walang kabuluhan
dahil sa panginip ko nalang nararamdaman
na ikay akin; ako at ikaw ay nagmamahalan
kung may pagkakataon man ay sadyang walang katuturan
sapagkat kahit sa panaginip katutuhanan'y di parin mataksan

kayat sa iyo aking minamahal
malayo man ako sa iyong pakiramdam
alaala ko'y iyong balikan
dahil nandirito ka sa aking kalooban
sa puso ko mananatili ka magpakailan man.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success