Pangalay (W/ English Translation - 'Pangalay Dance') Poem by Marites C. Cayetano

Pangalay (W/ English Translation - 'Pangalay Dance')

Sa pangalay
ako'y nangalay
sapagkat ito
ay ngayon ko pa lang sasayawin.

Subalit
sa pangalay
munting ligaya'y naranasan
sapagkat
nang ako'y madapa sa ensayo
kamay ko'y iyong hinawakan
ay! ayaw ko na sanang hugasan.

Sa pangalay
ako'y nangalay
subalit puso ko'y maligaya
dahil aking tagaturo
ay ikaw.


english translation-


Pangalay Dance


Pangalay dance
my first time to dance
has given me muscle pain
and has given me that little joy
when you held my hand
when I stumbled down
during practice
and, oh!
I almost wanted
to keep my hands
not be washed.


Pangalay dance
has given me muscle pain
but my heart was overjoyed
because my instructor
....was you.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success