Pangako Poem by Grace Svensson

Pangako

Rating: 5.0

Halika ating simulan
Pag-ibig na kasaysayan
Puso ko ay naglulundagan
Sa katotohanang ikaw ay akin lamang

Ikaw ay paglilingkuran
Hanggang sa kabilang hanggan
Ibibigay buong sariling banal
Saliw aking pagmamahal

Magiging matapat sa iyo
Irog ko
Ng ikaw ay dumating
Kaluluwa ko ay sadyang nagdiriwang


Ngayon at kailanman
Ikaw ay di na mag-iisa
Pakamamahalin ka
Tayong dalawa magkasama

Kung dumating man ang panahon
Ikaw ay makalimot na
Sa iyo ay aking ipapaalala
Minamahal kita

Sa sandaling sumapit na
Na ikaw ay manghina
Ako ay iyong magiging pangatlong paa
Halika at kumapit ka

At kung ang iyong pandinig
Ay sumablay na
Dahan-dahan kong ibubulong
Na minamahal kita

Irog ko Ikaw ay kailanman
Hinding-hindi iiwan
Sapagkat mga puso natin
Ay iisang lubusan.


Copyright © Grace Svensson
February 4,2018

Sunday, February 4, 2018
Topic(s) of this poem: love
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Grace Svensson

Grace Svensson

Philippines / Sweden
Close
Error Success