Pakapalan Ng Mukha Poem by Princess Bernadette Anillo

Pakapalan Ng Mukha

Nakalantad ang aking puso ngunit di ko pinamigay
Sa mga taong nabobola ang sarili nilang lumbay
Kung pakapalan ng mukha ang siyang hahabulan
May sangdosenang sikretong sa akin pinagtabunan

Mga senyales ng mga nangangarap na hawak ang medalya
Sa kompitensyang ang gantimpala ay butas na bulsa
Nalilito na ang landas ng umaapaw sa malakas na palakpakan
Na ni hindi man lang makuhang magbigay ng pangalan

Sa mundong hiwa-hiwalay na ang aming mga isla
Nagkandarapang maging mahiyain ang mga balsa
Sa pagkakataong wala rin namang aanihin na palay
Nakuha pang magtiyaga sa walang kamalay-malay

Nalilinlang sa damdaming di kayang patabain
Nalulugi sa reaksyong, di naman mga hinaing
Ang kulay ng bahaghari, naging mangangawit na bandista
Nagmistulang atleta sa nangangarap na pulisya
Nadapa ang gitarista, sumunod sa ikikasang sala
Bumalik sa ma-palakang bulong ang di naman nag-aalsa
Nagpumigil ang siyang nagsugat ng pinakamalalim na balon
na siyang nagmulat sa aking, mahirap na akong ikahon

Pakapalan na ng librong sarili kong sinusulat
pagkat ang siyang nakikita, di ko mahanap-hanap
Ang misteryo sa mga lalaking, walang masabing salita
Kundi paguluhin ang istoryo na dapat lang ay sa isa

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Princess Bernadette Anillo

Princess Bernadette Anillo

Brgy. Ambulong, Tanauan City Batangas
Close
Error Success