* Pagsinta'Ng Telepono Poem by Inner Whispers

* Pagsinta'Ng Telepono

Rating: 2.8


Ganito ba talaga ang buhay sa ibang bansa?
Uuwi na naman ako at mag-iisa
Pagbukas ko ng fridge nakita ko si Stella
Malamig na beer na magiging panandaliang kasama.
Stella...isa pa.

Hinagilap ang telepono upang boses mo'y madinig
Marinig mula saiyo ang wagas na pag-ibig
Pero walang sumagot
Dibdib ay kinabog dala ng matinding lungkot.

Sa mabilis na ikot ng mundo mo
Minsan bang sumagi ako sa isip mo?
Sa sobrang pagkaulila sa pag-ibig mo
Gusto ko nang umuwi, iwanan ang malungkot na lugar na ito.

Ninanais kong makita, pagsingkit ng iyong mga mata
Hayaan mo sanang hawakan ko ang iyong kamay, yakapin ka
Halikan ang labi na may ngiti
Upang maibsan ang aking pagkaulila at pighati.
Sa pagtulo ng aking luha ngayong gabi
Mapanaginipan ko sana tunay na pag-ibig at tamis ng iyong labi...

Ganito ba talaga ang pusong umiibig?
Langhiyang kupido, dala ay ligalig
Pinilit kong ilagan kanyang nagliliyab na palaso
Ako ba ay susuling sa pag-ibig mo at pagsuyo?

Umaasa ako sa pag-ibig na totoo
Sana ito'y maramdaman mo
Pag-ibig na walang alinlangan
Ito ba ay hindi pa matinding dahilan?

Ako'y nangungulila sa singkit mong mga mata
Masilayan ko sana tunay na pag-ibig na may pag-asa
O, hayan... Hindi bolpen ang ginamit ko
Totoong nilalaman ng puso ko.

Tula lang ba ang hiling mo?
O tunay na laman ng puso ko?
Sa mga mata mong naniningkit
Masilayan ko sana pag-ibig na kasing lawak ng langit.

Sa paggising ko sa umagang ito
Aking inapuhap dilaw kong telepono
Tatawag ba ako
O mangangarap lang sa pag-ibig mo?

Pag-gising ko sa umagang ito
Ikaw ang laman ng utak ko
Tiyak sa maghapon pananabik na makita kang totoo
Ang maglalaro sa guni-guni ko.

Ang labis na sabik sa piling mo
Para bang sinisilaban ang buong pagkatao ko
Mananatili na lamang bang ganito
Pananabik sa isat-isa sa dalawang dulo ng telepono?

Sa araw na ito, saan mo planong humapon?
Ako'y naiinip sa tagal ng paghihintay sa mabagal na panahon
Pagmamasdan mo ba ang paglubog ng araw?
Ako'y nasasabik sa tunay na pag-ibig at umaapaw.

Eto na naman ang malakas na ulan
Nasasabik na ako sa aking imang bayan
Banal na ulan na magbibigay pag-asa sa bagong pagsinta
Magmamahal ng tunay wala nang iba.

Meron pa kaya akong madadatnan pagdating ko
O ninakaw na lahat ni Sancho pati banal na pag-ibig ko?
Hmp...kanyang selos ibinibintang kay Keo
Kung di lang umulan, naglimayon na ako...
Hmp...

Sa malamig at mapanglaw mong panahon ngayon
Sa bawat lakad, hakbang at matinding desisyon
Hayaan mo ang iyong puso ay matunaw
Sa totoo at dakilang pag-ibig na umaapaw.

Sa maghapon ikaw ang laman ng isip ko
At sa gabing ito, malamig na unan ang nasa kanan ko
Ang hirap makatulog kung ikaw ay nasa isip
Pati sa pagtulog ikaw pa rin ang panaginip.
Ahhh...matinding pag-ibig...napakasarap na ligalig!

(Mga text ng Makata, aking pinagsama-sama
hanggang sa makabuo ng isang napakagandang tula...
Hmn...napakatamis na dila
Ito nga ba'y dala ng wagas na pagsinta?)

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success