Ningning Ni Yaya-Dub Ng Eat Bulaga Poem by Captain Herbert Poetry

Ningning Ni Yaya-Dub Ng Eat Bulaga

Naabot mo ang mga karaniwang tao sa iyong kakaibang pag-arte
Nakuha mo ang masa hindi lang pagpapatawa kundi may natutunan din sayo
Kahit sa kalye-serye lang ay buhay na buhay ang mga yugto ninyo
Sa tulong ng magaling ng programang Eat Bulaga ay lalo pang humusay ang inaabangang pagtatagpo niyo ni Alden.

Lahat ay nakakarelate sayo sa pag-ibig ng isang mahirap na may mga taong hadlang tulad ni Lola ni Dora
May napakagandang aral na makukuha na paghihirapan ng may sakripisyo ang pagmamahalan
Pinapakita at pinagyayaman din ng Eat Bulaga ang ating magandang values at kultura sa katauhan ni Yaya Dub
Makwela ang kanyang gaslaw na suportado nila Tito, Vic, and Joey kasama sila Jose, Paulo, Allan K. at ang ibang Kabarkads sa studio.

Naipapakita rin ni Yaya ang mga simpleng kilig ng may sunusuyo
Napapanahon at swak na swak ang kanyang karakter dahil sa kanyang dubsmash
First time at very unique ang naisip ng Eat Bulaga sa portion na ito
Mahusay ang kanyang pag arte na nasasalamin ang pulso ng mga mahihirap

Nakakawala ng pagod at pansamantalang nawawala ang problema dahil nakakawiling panoorin
Marami pang pagtatagpong maganap kay Yaya na ikakasiya pa natin
Marami pang sorpresa at bagong twist araw na araw na gagawin nila Yaya Dub na lalong makakapagsaya sa mga manonood
Sa pagNingning ni Yaya Dub kabalikat niya ang gintong tala ng buong programa na hindi kumukupas sa maraming henerasyon.

Ningning Ni Yaya-Dub Ng Eat Bulaga
Wednesday, August 19, 2015
Topic(s) of this poem: fame
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success