Nag-Iisa Poem by chinkyeyed lady

Nag-Iisa

Lumingon ka sa iyong kapaligiran;
Na-iisa ka’t walang masulingan.
Ikaw pala’y nasa karagatang kay lawak;
Nag-iisang nakatayo’t walalang makapitan.

Kulimlim ang kalangitan
Sikat ng araw di halos masilayan
Mababaw man ang tubig di makaalis sa kinatatayuan
Manhid ang mga paa’t ayaw ng humakbang.

Mga mata mo’y tigmak ng luha,
Hinahanap ang taong iyong inakala
Hahawakan ang kamay mo’t ika’y aakayin
Dadamayan ka sa iyong pag-iisa.

Sa iyong paglingon, batong malaki iyong nakita
Makakapitan at masasandalan kung tuluyang manghina
Subalit hanggang tanaw lang at di malapitan pala
Lubhang pagal na’t lakas ay ubos na.

Tanong mo sa sarili, may magagawa pa ba
sa ganitong kalagayan?
Nanghihina di lang ang katawan
pati kaluluwa sampu ng kaisipan.

Dyan ka lang sa iyong kinatatayuan
Magipon ka ng lakas ng isipa’t katawan
Pag nawala pamamanhid dulot ng pagod at kalungkutan
Subukang humakbang muli tiyak kaya mo yan.

by: Masked lady
(Q.C.8/12/09)

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success