! ! Mahal Ko...Halika Na... Poem by Inner Whispers

! ! Mahal Ko...Halika Na...

Rating: 2.1


Heto na ako, sarili ay isinusuko
Sa sinsabi mong pag-ibig na di mapagbiro
Tanikala mo ay tatanggapin ng buong puso
Puso ay isusuko magpapaalipin sa iyo.

Halika na...Mahal ko, ako ay iyong-iyo
Ako ay bukas na libro na nakaharap sa iyo
Basahin mong mabuti mga pahina ng buhay ko
Bawat titik at takda ay totoo, hindi itatago.

Ako ay nasasabik sa nagbabaga mong pag-ibig
Na di kayang banyusan ng alin pang pag-ibig na maligalig
Tanikala bang tunay ang iyong inaalay?
O ika'y daraan lamang sa aking matamlay na buhay.

Pag-isipang mabuti tanikala na inaalay
Pagkat di ko na kaya pang mawala pag-ibig na dalisay
Pag-sintang totoo ang kailangan ko
Tanikalang di kayang putulin kahit ano mang bagyo.

Di ko na nanaisin pang maging alipin ng iba
Kung sa bawat pag-hinga ay kasiping ka
Aanhin ko pa ang mapaglarong pag-sinta ng iba?
Nais ko ay makatabi mo, maramdaman ka sa twina...

MAHAL KO...HALIKA NA...

(Ipinadalang tula ng MAKATA...Ngayo'ng buwan ng Hunyo, ika-30 taong 2009....Ang sarap namnamin, hindi ba?)

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success