! ! Mahal Kita...Alam Mo Ba? Poem by Inner Whispers

! ! Mahal Kita...Alam Mo Ba?

Rating: 2.2


Pakiramdam ko'ng kakaiba, hindi ko maipaliwanag talaga
Sa bawat araw at gabi ikaw ang inaasam, sinta
Paggising sa umaga, malamig na pawis sa katawang nagbabaga,
Sa pagmamahal mo'ng tunay ako ay nangungulila...

Nais ko'ng maramdaman dampi ng iyong halik
Maiinit na yakap sa aking pagbabalik,
Maransan mo'ng tunay pag-ibig ko'ng naghihimagsik
Wala ng iba'ng nais pa'ng makatabi at makatlik...
__________________

Ang palahaw ng nangungulila ko'ng puso, nais ko'ng malaman mo
Pananabik sa araw na ika'y makaniig ko,
Maramdaman ang bawat haplos ng pagmamahal mo
At marinig ang usal ng pag-ibig na nasa puso mo...

Mahal ko, pakinggan mo...
Hindi ko nais maramdaman ito
Subalit bulong mo na pumupukaw sa tatag ng loob ko
Ipinagkakanulo ako ng pagnanasang ikaw ang pangarap ko!

Pangarap kita sa duyan ng pagnanasa
Binabalot ang pagkatao ko ng pananabik na makasama ka,
Hangad ko'y iparamdam sa'yo ang dakila'ng pagsinta
Walang hanggang pagmamahal, habang-buhay, mamahalin kita!

COMMENTS OF THE POEM
Ashraful Musaddeq 26 June 2009

Wonderful love tula, magaling sumulat. Pag-ibig na ito tula.10+++

0 0 Reply
Geovanni Leaño 26 June 2009

nakaka-touch naman ^_^ hehe... nice showing of emotion and of course using Filipino language is adding to the taste of this poem hehe... parang kumakanta kasi eh. anyway, keep writing ^_^

0 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success