Kapirasong pangarap
ang tanging dala-dala
sa ibayong dagat
duo'y napadpad.
Bakit nga ba
kailangan pang lumisan
gayung
may lunti din naman
sa pinagmulan.
Aah,
ang lunti doon
ay di ko pag-aari
hanggang tingin lamang
at hindi malapitan.
Ano nga ba
sa akin ang saysay
ng mga lunti doon
kung kahit sa gilid nito'y
di rin lang naman
makakaapak.
Sa ibayong dagat....
taglay ko'y
kapirasong pangarap
baka sakaling doon
bukod sa lunti
ay may kulay pa
ng bahaghari.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem