Low Tech Noon, High Tech Ngayon Poem by Pacific Hernandez

Low Tech Noon, High Tech Ngayon

Salamat na lamang sa high technology
Na kahit huli na'y umabot pa kami
Kaming 'pinanganak NOONg ninteeen thirty's
At swerteng narating ang idad na Eighties

Ang tula na ito nang aking sulatin
Sign pen ang ginamit, substitute ay ballpen
Final draft, tinapos sa aking computer
Malinis na kopya'y ginawa sa printer

Extra copy nito'y puwedeng ipadala
Attachment sa email, by fax at meron pa
Surface mail at airmail, kundi kuntento ka
By Fedex, LBC, hari ng padala
Puwede ring i-highlight saka i-copy-paste
I-attach, i-forward o kaya ay -send
Kung ito'y sa Facebook ay puwedeng Tag o Share,
Carbon o blind copy kung ito'y sa email.

Ang maraming kopya, paano gagawin
NOON ay photostat, masyadong maitim
O kaya'y mimeograph, a very messy thing
Tinta'y kumakalat sa pag-i-stencil
NGAYON nama'y xerox, pagkopya'y matulin
Ngunit parang nakikinikinita ko
Xerox di tatagal, mapapatos ito
Ng something digital, magpustahan tayo

Kung ang tulang ito'y NOON ko sinulat
Ako'y mayayamot, at iyon ay tiyak
Kung kailan ako ay nagmamadali
Ang lapis na gamit, saka mababali
Gamit na fountain pen, tinta'y umaagas
Kundi nagtatae, penpoint ay matalas
Sa aking 'cocomband', kakamot, kakaskas

Noong bata kami, ay wala pang cellphone
Telepono'y mayaman lang ang mayroon
Lihim na pag-ibig, hindi maite-text
Tulay o messenger, kelangang gumamit
Resultang madalas, sulat maintercept
Ng tatay o nanay na napakahigpit
O kaya'y si darleng, sa 'tulay' kumabet

Ang messenger noon ay iba sa ngayon
Noon siya'y tao, with blood, skin and bones
Madaling suhulan, ma-corrupt, malagyan
At puwedeng siya mo pa na maging karibal
Na ang akala mo'y isang kaibigan
Ang mahal mo pala'y kanyang inaaswang

Ang messenger ngayon ay e- at digital
Di nga nako-corrupt ay naha-hack naman
Lihim na pag-ibig na iniingatan mo
Ay viral na pala, kalat buong mundo


sikat na kumpanya noon ng telephone
Ay tanyag na palaging lawang dial tone
Hanggang sampung taon kami na naghintay
Bago nakabitan ng isang single line
Buti na lang kami ay walang party line
Na over the phone ay lagi mong kaaway
Na kapag nagalit at nakaaway mo
Ay ibibitin ang kanyang telepono
Siya'y nakaka-high blood, siya'y nakakainis
'Suplada, masungit, ayaw magpasingit, pangit'

Kapag ang wagas na pag-ibig na iyo
Ay sa kaprasong papel pa isusulat mo
Sa post o koreo padadaanin pa
Bago ka masagot, kayo'y matanda na

Walang mega taksing kung tawagi'y FX
Na NGAYON ay iba, naging UV Express
Naiba ang tawag, pareho ang sakit,
ang paka-cutting trip na nakakainis

Magtitiyaga ka NOON sa PUJ na dyip
'God Knows Hudas Not Pay', paskel, nakadikit
'Upong Diyes lamang po', laging sinasambit
Ng tsuper na kundi mabait-masungit
Madalas pang ikaw ay natsatsansingan
Ng kelot na manyak at hindi lang iyan
ng exhibitionist kaya'y voyeur naman

Magtaksi ka na lang, iya'y mas mabuti pa
Siguruhin mo lang na de gasolina
Kapag de LPG ang siyang natawag mo
Hindi magtatagal ang buhay na iyo
Pagkat sinasabi ng ng vast majority
Liquepied Petro Gas ay sanhi ng TB

Uber o Grab Taxi ay siya mong tawagin
Sa destination mo, mabilis dadating
Sila'y may GPS, Waze, kung anuano pa
Na sa common taxi'y di mo makikita
Nalalaman nila kung saan matrapik
Pati yata kotong cops, nila'y nade-detect

Mga bata NOON, hilig ay mangisda
'Fighting fish' naman ang sa mga matanda
Gamit ay projector aka aparato
At maputing telon na para sa porno
bomba, at iba pa na very lewd na show
Hindi siya nagtagal, mayroong sumulpot
Modernong betamax siya ay pinatos

Noon akala ko'y betamax na'y hanep
Wala nang tatalo at siya nang ultimate
Sinipa pa rin siya ng kanyang kapatid
Better resolution, tawag ay VHS
Ang pamilya ng tape, nangawala na rin
Dahil nabubuhol, tape ay 'kinakain'
Compact disc, video disc na ay nagsidating
DVD na NGAYON kung sila'y tawagin
Meron pa kayang sa kanila'y tatalo
Let us just wait and see, gano'n ang sabi ko
Hindi nga nagtagal, flash drive nga'y dumating
Sari-saring tawag, goes by so many names
Keydrive, Pendrive, Thumbdrive, USB sa akin

Ang inabutan ko na aming turntable
Hindi de koryente, hindi reliable
Nagboboses chipmunk, kung minsan ay bulol
Ito ay de susi, subalit portable
Mabuti sa wala no'ng aming panahon
Salamat later on, kami'y nakabili
Ng noon ay sikat, ang high fidelity
Malapad ang plaka, speed ay 33
Long playing record na palayaw ay L. P.

Ang juke box din NOON ay sikat na sikat
Ang bawat restaurant, meron yata lahat
Sa loob ng juke box ay nakahilera
Ang mga plaka ng sari-saring kanta
Kapag ang pamagat ay iyong pinindot
Plaka ay bubukod at saka iikot
Ang iyong peborit na kanta'y tutugtog
Mga nakikinig, napapaindayog

Ang juke box na sikat, naglaho't umalis
Casette na multiplex naman ang pumalit
Minus-1, sing-along, mga sumikat pa
Puwede mong alisan ng lyrics ang kanta
Ang background na lamang ang siyang matitira
Ang orig na artist ay 'out', ikaw ang 'in'
Sa accompaniment, ikaw na'ng sasaliw
Hindi natagalan, siya ay phased out na rin
Karaoke naman ang siyang naghari
Hindi rin nagtagal, narito sandali

Magic Sing ang gamit, videoke'y dumatal
Ng singer at audience pinapalakpakan
Wireless na microphone at siya pang selector
Hindi na kelangan pa ang operator
Ito ay fiesta para sa propessionals
At amateurs na nagsisimula pa lang
Kasama din dito ang frustrated singers
Nagpupumilit na sila ay mapansin
Kanta'y kinakaya kahit na baluktot
Masakit sa tenga, parang sinusundot

Transistor radio kong ipinagmayabang
Kahon ng sapatos, gano'n kalaki 'lang'
Ang tape recorder na una kong ginamit
Kahon ng typewriter, iyon ang kawangis
Ay mayabang na ko at lagi kong bitbit
Sila'y lumiit pa't hindi natagalan
Pinagsama sila at naging two in one
Laging nakasukbit, tinawag na walkman
O kaya ay cassette, kay sarap pakinggan
Ang tape ay nawala, CD ang pumalit
Sila'y wala na rin, sila'y na-obsolete
Ng iPod na modern, totoong maliit
MP3 at flash drive na rin ay dumating
Hindi ko malaman kung ano ang alin

Kahit ako'y takot, merong technophobia
Sa YouTube ay nakikinig ng musika
Naki-high tech na rin, kahit matanda na
May earphone sa tenga, may cellphone sa bulsa
Kung ako'y maglakad, paindak-indak pa
Cellphone ko ay high tech, may features pang iba
And just to name a few, internet, camera,
Facebook, You Tube at Apps na kung anuano
Ang hirap pumili, ako'y nalilito.

Monday, February 27, 2017
Topic(s) of this poem: technology
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success