Larawan Poem by Jesus Diaz Llorico

Larawan

Sa aking 'fb', may 'cute'na larawan
Na matagal tagal ko din hinangaan
Kaya't sa 'printer'ng aking kaibigan
Kinopya at sinabit sa tabi ng higaan

At sa aking paghiga, kinagabihan
Liwanag sa bintana, aking nakita
Sinag ng buwan, sa'king tulugan
Larawan, malamlam na nailawan

Sa gitna ng matinding katahimikan
Tila ako'y kanyang pinagmamasdan
Kahit kunwari'y nagtutulog tulugan
Nakamasid pa rin sa aking higaan

'Eye to eye' na kami nagtitinginan
At nanumbalik ang aking kabataan
Kay sarap isipin ang mga nakaraan
Pers lab na hindi kayang kalimutan

Ang liwanag ay unti unting naglaho
Maaring sa ibang silid nagtungo
At sa pagdilim ng aking kapaligiran
Nakatulog sambit kanyang pangalan

At sa pag gising ko na kinabukasan
Ganda n'ya hindi mawaglit sa isipan
Kung napangiti at ito ay nagustuhan
Alam niya, siya ang nasa larawan.'

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success