'Kung nandito ka lang sana
sa tabi ko aking sinta
tayo'y lalakad ng masaya
sa ilalim ng buwan at mga tala
kaya lang bundok at dagat
namamagitan sa'ting dalawa
at wala na kong magawa
kundi mangarap na lang muna
Wala ng huni ng mga ibon
kundi galaw na lang ng mga dahon
mga tunog na tanging naririnig
sa paglalakad sa paligid
pero ito ang nagbibigay ligaya
at lalong nasasabik sa'yo sinta
sa pagmumuni at pag alala
habang naglalakad ng nag-iisa
Sa pag-ikot ng panahon
lagi hinihintay ang dapit hapon
dahil nasa malayong lugar ka
ang puso'y puno ng pangamba
na parang nakasilid sa kopita
at nakakulong sa isang hawla
ramdam lagi ang walang pahinga
sa layo nating dalawa.'
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem