Kumakatok Poem by FRAGMENTS AND PIECES

Kumakatok

Puso ko ay narito pa rin
naghahangad na ikaw ay makapiling
kahit minsan mo na sa akin hiniling
na ikaw ay lubusang palayain

ngamamakaawa sayo aking giliw
pagbgyan sana ang pag-ibig na di nagmamaliw
ngunit sayo ba akoy dapat ng bumitiw
pano na ang damadaming sayo lamang giliw

heto pa rin ang katigasan ko
di mapakali sa pagsusumamo
pagbigyan mo sana pagkat di nahihinto
kumakatok pa ring mabuksan ang iyong puso

pag-ibig ko sayo lamang sinta
mahalin mo lamang wala ng hangad pa
bago ako pumanaw ikaw sana'y makita
kumakatok na puso'y pakinggan mo na.


(madero/18august2011naga)

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success