Kalawakan Poem by Marie Joyce B. Negapatan

Kalawakan

Rating: 3.2


Ako’y nalulumbay
Sa mga panahong
Ako’y nag-iisa
Ganito na lang ba
Sa bawat minutong nagdadaan
Na tila ba
Ako’y lumulutang
Sa hangin
Ng walang hanggang kalungkutan
Mga luha’y nagpupumiglas na
Sa pumupuyos na damdaming
Ayaw paawat
Ang pagtangis ng puso’y
Bumubulong
Sa lalim ng buwan
Sumasabog na
Sumasabog na
Isang nakaririnding ingay
Mababakas mo
Sa ungol ng mga bahaw
Pakinggan mo
Pakinggan mo
Tila ba’y naghihikaos
Ang nangungulila kong puso
Napabayaan na
Napabayaan na
Ang hugis kong ito
Unti-unti ng nilalamon
Sa kalawakang
Nababalutan ng takot
At isang bangungot.

COMMENTS OF THE POEM
Joseph Daly 24 November 2005

This is very brave, Marie, and I applaud you putting this piece on. I have no idea which languague it is (though something tells me it is a Native American laguage as it seems to have a unique construct but I also wonder whether this is a construct opf your own made up from a variety of laguages because there does seem to be hints of angloism as well as East European and East Asian, not that I am an expert) . Obviously I have no idea of its subject. Well Done on a fine piece of work Denis Joe

0 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success