Jesus James Llorico


Isang Love Story


'Isang di pangkaraniwang karanasan
Ang biglang pumasok sa aking isipan
At tungkol ito sa kakaibang love story
Na nangyari samin ng aking kaibigan

Noong araw na sinesemento ang daan
Ng 'Boni' na malapit sa aming tirahan
Kaya mga tubo nagkalat sa lansangan
At puro tubig ang laman ng mga hukay

Kaya ng isang gabi kami ay mamasyal
Sa kanto ng 'Boni' at tapat ng tindahan
At dahil magkapatid ang aming liligawan
Kaya't sabay kami sa lugar ng tipanan

Sagad sa porma kami ng aking kaibigan
Panay ang pa cute habang nakaistambay
Ang tatamis ng ngiti ng aming hirang
Kaya't kaming dalawa lalong nagbibiruan

Kunwari kaming dalawa ay nagtutulakan
Sa tabi nga ng kalye sa harap ng tindhan
Habang nakatingin sa nililiyag na tunay
At panay papogi sa magkapatid na hirang

Subalit talaga namang laking kamalasan
Pagkat habang kami ay nagtutulakan
Ay sabay kaming nalaglag sa imburnal
At sa harapan pa mismo ng nililigawan

Basang basa kami ng aking kaibigan
At nagtatakbo sa tindi ng kahihiyan
Sa kabilang kanto doon na nagsisihan
Sa nangyaring kahiya hiyang tunay

Hindi na kayang bumalik sa nililigawan
Lagi kasi kaming dalawa tinatawanan
Pero ang aking matalik na kaibigan
Wala sa isip na umatras sa labanan

Hindi ininda ang sinapit na kahihiyan
At umatake na nman kinagabihan
Matikas talaga ang aking kaibigan
Kaya't isinama na ang kanyang nanay

Ito ay hindi kathang isip lamang
Kundi nangyari talagang tunay
Isang love story ng aming kabataan
Na mahirap talagang malimutan.'

Submitted: Friday, November 29, 2013

Do you like this poem?
0 person liked.
0 person did not like.

What do you think this poem is about?



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?

Comments about this poem (Isang Love Story by Jesus James Llorico )

Enter the verification code :

There is no comment submitted by members..

PoemHunter.com Updates

Poem of the Day

I

Our life is twofold; Sleep hath its own world,
A boundary between the things misnamed
Death and existence: Sleep hath its own world,
And a wide realm of wild reality,
...... Read complete »

 

Modern Poem

poet May Swenson

 

Member Poem

Trending Poems

  1. Daffodils, William Wordsworth
  2. Still I Rise, Maya Angelou
  3. Do Not Go Gentle Into That Good Night, Dylan Thomas
  4. Annabel Lee, Edgar Allan Poe
  5. If, Rudyard Kipling
  6. A Dream Within A Dream, Edgar Allan Poe
  7. No Man Is An Island, John Donne
  8. Stopping by Woods on a Snowy Evening, Robert Frost
  9. Phenomenal Woman, Maya Angelou
  10. I Know Why The Caged Bird Sings, Maya Angelou

Trending Poets

[Hata Bildir]