Isang Awit Ng Kasawian Poem by Taritz Geronimo

Isang Awit Ng Kasawian

Ang alaala mo ay lumilitaw mula sa gabi sa aking paligid.
Hinahalubilo ng ilog ang kanyang di-matinag na panaghoy sa dagat.

Nilisan gaya ng mga pantalan sa madaling-araw.
Oras na ng paglisan, oh nilisang nilalang.

Ang malalamig na buko ng bulaklak ay umuulan sa aking puso.
Oh hukay ng mga labi, nag-aalimpuyong yungib ng sinadsad.

Sa iyo ang mga digmaan at lipad ay nag-ipon.
Mula sa iyo ang pakpak ng mga mang-aawit na ibon ay bumangon.

Nilulon mo ang lahat, gaya ng layo.
Gaya ng dagat, gaya ng oras. Ang lahat sa iyo ay lumubog!

Iyon ay masayang oras ng pagsugod at ng halik.
Ang oras ng sumpa na nagliyab gaya ng parola.

Takot ng piloto, puyos ng bulag na tagamaneho,
Di mapalagay na kalasingan ng pag-ibig, ang lahat sa iyo ay lumubog!

Sa kabataan ng hamog aking kaluluwa, tanggal ang pakpak at sugatan.
Nawalang manunuklas, lahat sa iyo ay lumubog!

Ikaw na nakagapos na pighati, ikaw na nakakapit sa pagnanasa,
Sinindak ka ng kalungkutan, ang lahat sa iyo ay lumubog!

Pinaatras ko ang pader ng anino,
Lampas sa pagnanasa at pagkilos, ako ay nagpatuloy.

Oh laman, aking sariling laman, babaeng aking minahal at nawala,
Tinatawagan kita sa mahamog na oras, itinataas ko ang aking awit sa iyo.

Gaya ng banga kinakalinga mo ang walang hanggang paglalambing.
At ang walang hanggang kawalang-malay ay dinurog kang parang banga.

Naroon ang itim na pamamanglaw ng mga isla,
At doon, lakambini ng pag-ibig, kinupkop ako ng iyong mga bisig,

Naroon ang gutom at uhaw, at ikaw ang bunga.
Narood ang pagtangis at mga guho, at ikaw ang himala.

Ah lakambini, hindi ko maarok kung paano mo ako napipigilan
Sa mundo ng iyong kaluluwa, sa krus ng iyong mga bisig!

Gaano kalubha at kaiksi ang pagnanasa ko sa iyo!
Gaano kahirap at kalango, gaano kabahala at kasugid.

Libingan ng mga halik, mayroon pang apoy sa iyong mga puntod,
Ang mga sangang may bunga ay nasusunog pa rin, tinutuka ng mga ibon.

Oh kinagat na labi, oh hinalikang paanan,
Oh nagugutom na ngipin, oh magkadanting mga katawan.

Oh baliw na pag-aasawahan ng pag-asa at lakas
Kung saan tayo ay lumitaw at nasawi.

At ang paglalambing, singgaang ng tubig at ng harina.
At sa ating mga labi nagsimulang maglaho ang mga salita.

Ito ang aking kapalaran at dito ang paglalakbay ng aking pangungulila,
At ditto nahulog ang aking pangungulila, ang lahat sa iyo ay nahulog!

Oh hukay ng mga labi, ang lahat sa iyo ay nahulog,
Anong pighati ang hindi mo ibinahagi, sa anong pighati ka hindi nalunod!

Sa bawat pag-imbulog nanatili kang nakakapit at kumakanta.
Nakatayong parang mandaragat sa unahan ng bangka.

Nanatili kang namumulaklak sa awit, binabasag m opa rin ang mga alon.
Oh hukay ng mga labi, bukas at mapait na balon.

Maputlang bulag na tagapagmaneho, walang palad na maninirador,
Nawawalang manunuklas, ang lahat sa iyo ay lumubog!

Oras na ng paglisan, ang matigas at malamig na oras
Kung alin ang gabi’y iginagapos ang lahat sa orasan.

Iginagapos ng kinakalawang na sinturon ng dagat ang dalampasigan.
Ang malalamig na bituin ay hinahatak pataas, ang mga itim na ibon ay nangingibang-bayan.

Nilisan gaya ng pantalan sa madaling-araw.
Tanging ang natatakot na anino ang pumipilit sa aking kamay.

Oh mas malayo kaysa sa lahat. Oh mas malayo kaysa sa lahat.

Oras na ng paglisan. Oh nilisang nilalang!


A Translation of:

A Song of Despair

The memory of you emerges from the night around me.
The river mingles its stubborn lament with the sea.

Deserted like the wharves at dawn.
It is the hour of departure, oh deserted one!

Cold flower heads are raining over my heart.
Oh pit of debris, fierce cave of the shipwrecked.

In you the wars and the flights accumulated.
From you the wings of the song birds rose.

You swallowed everything, like distance.
Like the sea, like time. In you everything sank!

It was the happy hour of assault and the kiss.
The hour of the spell that blazed like a lighthouse.

Pilot's dread, fury of blind driver,
turbulent drunkenness of love, in you everything sank!

In the childhood of mist my soul, winged and wounded.
Lost discoverer, in you everything sank!

You girdled sorrow, you clung to desire,
sadness stunned you, in you everything sank!

I made the wall of shadow draw back,
beyond desire and act, I walked on.

Oh flesh, my own flesh, woman whom I loved and lost,
I summon you in the moist hour, I raise my song to you.

Like a jar you housed infinite tenderness.
and the infinite oblivion shattered you like a jar.

There was the black solitude of the islands,
and there, woman of love, your arms took me in.

There was thirst and hunger, and you were the fruit.
There were grief and ruins, and you were the miracle.

Ah woman, I do not know how you could contain me
in the earth of your soul, in the cross of your arms!

How terrible and brief my desire was to you!
How difficult and drunken, how tensed and avid.

Cemetery of kisses, there is still fire in your tombs,
still the fruited boughs burn, pecked at by birds.

Oh the bitten mouth, oh the kissed limbs,
oh the hungering teeth, oh the entwined bodies.

Oh the mad coupling of hope and force
in which we merged and despaired.

And the tenderness, light as water and as flour.
And the word scarcely begun on the lips.

This was my destiny and in it was my voyage of my longing,
and in it my longing fell, in you everything sank!

Oh pit of debris, everything fell into you,
what sorrow did you not express, in what sorrow are you not drowned!

From billow to billow you still called and sang.
Standing like a sailor in the prow of a vessel.

You still flowered in songs, you still broke the currents.
Oh pit of debris, open and bitter well.

Pale blind diver, luckless slinger,
lost discoverer, in you everything sank!

It is the hour of departure, the hard cold hour
which the night fastens to all the timetables.

The rustling belt of the sea girdles the shore.
Cold stars heave up, black birds migrate.

Deserted like the wharves at dawn.
Only tremulous shadow twists in my hands.

Oh farther than everything. Oh farther than everything.

It is the hour of departure. Oh abandoned one!

Pablo Neruda

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success