Intriga Sa Bangketa Poem by Gianni Pansensoy

Intriga Sa Bangketa

Nag-almusal ka na ba?
marahil ay wala pa,
bunganga mo ay bumubula,
nagla-laway sa mga intriga,
kasinungalingan subalit ay may mga naniniwala,
Bakit kaya?
Pagkatao ni aling Juana ay sirang-sira.

Mga mura at panay kabastusan, namayani sa pagitan nila,
nagbu-buno dahil sa mga kalyeng tsismis,
paninda'y nagkawarak-warak at nawala,
pagkatao'y nakahandusay sa bangketa,
kamalayan ay nawalan ng kwenta,
kaya kanilang buhay ay sa kahirapan nag-durusa,
ang masaklap, gobyerno raw ang may sala.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success