Inag Poem by Captain Herbert Poetry

Inag

Hahanapin ang mga araw ng ating saya
Mga kulitang nakakawala ng kaunting problema
Tawanang nakakaibsan ng matinding pagod
Kahit kapirasong pagkain may ligayang salu-salo

Nagsasabihan ng problema ng may lungkot
Kakampi ng handang makinig ano man ang bigat
Bukasan ng puso na walang tinatago
Walang reserbang tinatago kapag andyan ka

Sabay makikinig sa bawat isa ano mang sikreto
Kusang nailalabas ang kailaliman dahil magaan sayo
Lumulutang tayo saan man mapunta ang usapan
Napakasimpleng bagay na ibanabahagi'y may kakaibang dulot

Kaunting panahon na lamang magkakawalay
Paano sasaluhin ang lungkot na madarama
Sa halu-halong 'di malimutang
masasayang mga alaala,
Nakatatak na lamang sa ating mailing buhay ang mga masarap at magaganda pINAGsamahan.

Inag
Monday, March 14, 2016
Topic(s) of this poem: friendship
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success