Ilaw Sa Bintana Poem by Jesus Diaz Llorico

Ilaw Sa Bintana

'Nakatanaw sa liwanag ng buwan
at nagmamasid sa kawalan
sa tabi ng puno at ilang sasakyan
na may halaman sa kapaligiran

Pagkat sa dilim nag aabang
at nakatingin sa harapang bahay
nakatuon ang isip sa liwanag ng ilaw
sa bintana ng sinisintang tunay
naghihintay na makita
ang nagpapapintig ng puso araw araw
taimtim na pinagdarasal
'wag muna matulog at patayin ang ilaw
na sana'y kahit anino man lamang
ay maaninag at masulyapan
sa kurtinang manipis sa taas ng bahay
kahit pumatak ang matinding ulan
at bumaha sa kinatatayuan
ay maghihintay sa tapat ng bahay
at aalis lang sa kinalalagyan
kapag makita na ang hinihirang

Isang munting hangad
ng kagaya kong nilalang
na sa puso'y natagpuan
ang tunay na minamahal.'

Tuesday, October 7, 2014
Topic(s) of this poem: love and art
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success