Haplos At Pisil: Gamot Sa Pangungulila Poem by Paul Pruel

Haplos At Pisil: Gamot Sa Pangungulila



‘Wag magtaka kung ako’y lagi n’yong nakikita
Kasama sa inyong mga lakad at katuwang
Sa bawat bagay na inyong pinagkakaabalahan
Kung kayo’y masaya ang katawan ko’y masigla
Buhay ko’y nakasalalay sa inyong kalusugan…

Kumikilos ako sa gusto ng inyong puso’t isipan
Ako’y maykakayahan na ‘di kayang gawin ng iba
Sadyang sa akin lamang ipinagkaloob ng Poon
Kaya kong pasiglahin ang nalulungkot na katawan
Sanhi ng pagod at hapis na inyong nararamdaman…

Haplos at pisil ko ang kailangan at babalik na agad
Ang inyong lakas at kakisigan, kaya pakiusap
Ako ay inyong alagaan at huwag hayaan na
Ako ay magkakalyo, masaktan at masugatan
Upang banayad na mapawi ang inyong kalungkutan…

Ako’y isang mapagmahal na kaibigan
Sa anumang panahon at pagkakataon
Ako’y naririto - laging handa’t maaasahan!

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Paul Pruel

Paul Pruel

Guiuan, Eastern Samar
Close
Error Success