Diwa Ng Isang Ofw Poem by Jesus Diaz Llorico

Diwa Ng Isang Ofw

'Sa aking paningin ay tila lumalayo
Mga punong tanaw sa gitna ng disyerto
Tulad ng bigat ng aking nararamdaman
Na 'di maipaliwanag ang kalungkutan

Sa buhay ng isang tulad kong ofw
Na nagtratrabaho sa bansang Arabo
Iisa ang dahilan kung bakit kami nandito
Ang layunin na pamilya umasenso

Na isip nahahati sa dalawang bagay
Una sa trabaho na dapat bumagay
At ikalawa'y sa mga mahal sa buhay
Na may pangamba sa iniwang bahay

Sa pag-iisa binabale wala ang paghihirap
Nakatuon sa bakasyon at mga pangarap
Na kapag may pagkakataon na makauwi
Ay lubos na babawiin ang bawat sandali

Sa pagsikat hanggang paglubog ng araw
Ang pagod na ang hantong ay higaan
Sa gabi nagdarasal na sana patnubayan
Mga mahal sa Pilipinas na naiwanan

Gaya ng hanging kailanma'y 'di makikita
Umaawit sa dahon sa mataas na sanga
At dinig mga munti nitong mga sayaw
Na tila pinasisibol ang mga bulalakaw

Dinadaan na lang sa maikling katha
At iba't ibang libangan ang ginagawa
Ito kasi ang lunas at pinakamainam
Para mawala ang mga lungkot at paham.'

Saturday, August 30, 2014
Topic(s) of this poem: love and art
COMMENTS OF THE POEM
Susan Villamil 08 November 2016

I salute all OFW like you. Your wordings says it all how hard to be separated to your loved ones. Good job, very creative

0 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success