'Di Lahat Poem by rhona fabi

'Di Lahat

'di sa lahat ng panahon
ako sayo'y nakatuon.
'di sa lahat ng buwan,
akin ika'y napapahalagahan.
'di sa lahat ng linggo,
naililigtas kita sa gulo.
'di sa lahat ng araw,
naaalis ko ang 'yong ginaw.
'di sa lahat ng oras,
nabibigyan kita ng lakas.
'di sa lahat ng minuto,
sa'kin ka natututo.
'di sa lahat ng segundo,
ang sigla mo'y nagigising ko.

'di naman lahat diba'y kulang ako?
kasi sa bawat bilang ng segundo,
ang pagmamahal ko sayo
kailanman 'di nagbago.

Copyright © 2005 by Ronalyn 'Rhona' T. Fabi
(An original poem written on the 9th day of September 2005)

(This literary piece is govern with the rights of the author. Anyone who wants to use this poem should first ask the author or contact at reiyuucy_26@yahoo.com)

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success