Dakila Ka Inay Poem by myleen aspiras

Dakila Ka Inay



Di ako makapaniwala na may isang ina na sobrang dakila
Mula pagkabata gabay nya at alaga para sa walong supling,
Maraming hirap at sakripisyo kanyang tiniis upang itaguyod
kami'y mapagtapos,
Ngayon nga'y malalaki na kami nais naming maging malaya sakripisyo ni ina binalewala na.

Nang ako ay magising sa mahabang pagkakatulog sa wakas ako ay naumpog,
Nais kong bumawi at bigyan ka sana ng munting ligaya subalit huli na pala ako'y di nagtagumpay.
Ganun paman sa huling sandali ng iyong buhay
Sa huling tibok ng iyong pulso, pangako mo'y tinupad mo pa rin.

Tanda ko pa ang sabi ko sayo, hintayin mo ako at tayo'y mamamasyal
hirap na hirap na ang katawang lupa mo at gusto ng pumikit at mamahinga ng tuluyan,
subalit pangakong binitawan sa aki'y tinupad mo pa rin.
Hinintay mo ako nagkausap pa tayo,
Huling tibok na pala ng puso mo.

Nalagutan ka ng hininga sa aking mga bisig na puno ng hinagpis,
Ang sakit sakit inay!
Ngayon san kaman naroroon, nais kong patawad mo'y aming kamtin
Patawad nay sa malaking pagkukulang namin,
Patawad nay at ito ang hiling namin...
Mahal na mahal ka pala namin....

POET'S NOTES ABOUT THE POEM
This poem or actually its a story is dedicated to my greatest mother who passed away yesterday 30 of September 2012...
myself and all my family members asking your forgiveness...
hope mother whenever you are now, you forgive us...
we wish and we pray that your journey on the other side of life
will be ok...
may you rest in peace now my beloved mother....
COMMENTS OF THE POEM
Captain Herbert Poetry 25 April 2014

Heartfelt kind of poem. Wonderful and full of heart passions. Salamat for sharing Pleas comment on my poems. Salamat ng marami

0 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success