! ! D E L I R Y O Poem by Inner Whispers

! ! D E L I R Y O

Rating: 2.7


Kisame'y tila limbo, samu't saring paru-paro
May mapusyaw na dilaw, may matitingkad na itim...
Tila binubulabog, ingay ng pagaspas di naman makadapo
Sa pagal na katawan ng mahalimuyak na rosas na nakabalot sa dilim!

Pilit mang gapiin ang dilim ng lagim
Subalit mapanglaw ang kulay ng kanyang hiling!
Isang prinsipe nawa ang dumaan at siya'y sagipin
Sa limbo ng DELIRYO, nais niya, siya ay makapiling!

Dampi ng palad mo, nais na matamo
Pipigilan nito ang DELIRYO ng puso ko...
Nasaan ka, hanap-hanap kita
Subalit isa ka munang pangarap na nais makita.

Binalot ko ng pag-asam ang napakalamig na ginaw
Pilit nilabanan ang nginig na mapanglaw
DELIRYO ay tinanggap, nagpatangay sa lipad
Ng mga malilikot na paru-paro...umaasang dalhin ako sa iyong pugad!

(doing this while having 38.7 temp)

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success