Counter Strike Poem by Hazelyn Usop

Counter Strike

Mga kabataan ito’y kinahihiligan
Turing nila ay paboritong laruan
Napapagalitan pa nga ng magulang kadalasan
Subalit di maiwasan bagong kinahihibangan

Sa halip na eskwela sa internet ang tungo nila
Libangang counter strike kung bigkasin ng iba
Pati baon na dapat sa pagkain napupunta
Nailalaan din dito kahit sikmura ay kumakalam na

Kung ikaw ay isa sa kanila
Marahil panahon na upang mag isip-isip ka
Kung ito ba’y laro pa o bisyo na hinihila kang pamunta
Sa likong daan upang pag-aaral mo’y maisantabi na

Kung ikaw ay isa sa magulang ng mga batang ito
Huwag ibigay sa anak lahat ng kanilang gusto
Lalo na ang mga walang silbing luho
Upang pangarap para sa inyong subling ay ‘di maglaho

At kung ikaw nama’y isa sa nagpapatakbo ng gimik na ito
Aba’y ilagay sa lugar at maawa ka sa kabataan naaapektuhan mo
Kung nais mong negosyo ay lumago nararapat rin na isipin mo
Mga kabataan pinagkukunan ng kabuhayan mo

Ang inyong lingkod ay nagpapayo lamang
Huwag sanang ituring na kalaban at kainisan
Kayo’y di pinipilit ngunit aking pinakikiusapan
Bantayan natin kinabukasan ng ating kabataan

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success