Classmates (Klasmeyts) Poem by Captain Herbert Poetry

Classmates (Klasmeyts)

Sinong makakalimot sa iyong mga nakasama sa skul
Kulitan, tawanan, at pagsasamahan
May kaunting tampuhan at magkabati rin agad
Magkabarkada, magkaibigan at nagdadamayan

Kopyahan ng assignment o kopyahan din sa exam
Minsan tahimik kapag terror ang guro
at seryoso na sa mahirap na subject
Minsan may pasyalan at kainan kahit sa kalye lang
Kahit kaunting baon lang o kaunting baon ay pagsasaluhan na

Kwentuhan sa mga crush, kwentuhang pang-boys only
or for girls talk only
Ang sarap ng mga alaala nitong buhay high school
Luluha ka talaga at maiiyak kapag graduation na
Nabuo sa atin ang buhay kabataan ng sama-sama

Kaya kahit umabot ng maraming taon
ay sila pa rin ang hahanapin
Kahit ano man ang mga tinahak sa kanya-kanyang buhay
ay para pa rin tayong buhay hiskul kapag reunion

Lagi pa rin natin babalikan ang mga kalokohan nating ginawa
at lumalabas ang pusong kabataan kahit
may mga asawa na o may edad na
Kahit nasa ibang lugar na ibang kaklase,
kahit ibat-ibang propesyon na,

kahit mayayaman na sila’y para pa rin tayong dating
mga magka-klasmeys at klasmeyts pa rin
habang tumanda na tayo
at lagi pa rin may reunion
dahil tayo'y KLASMEYS forever.

Classmates (Klasmeyts)
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success