Bukas Poem by FRAGMENTS AND PIECES

Bukas

Kung ang araw ngayon ay sadyang palubog na
at wala ng liwanag ang masisilayan pa
hahayaan ko na lang na ito ay maganap
kung ang tuwa nga ay sadyan di na malalasap
gabi ay papangyarihin na lamang
hangang ang bagong umaga ay muling isilang
kung ang kanluran ay puno ng pagnanasa
na higupin ang galak na napupuna
ang kapalaran ang siyang magpapasya ng lahat
hangang sa mapagod ang hangin sa pagiipon ng ulap
at ang bukas na nakalimutan ay muling makakaahon
hanggang ang mga kulay ay maiguhit ng panahon.


(madero/26august2011naga)

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success