Buhay Estudiante Poem by MELVIN BANGGOLLAY

Buhay Estudiante

BUHAY ESTUDIANTE
Melvin Banggollay


Buhay ng estudiante
Parang napakadisente
Kung nakayoneporme
Pero di lang nila alam
Sikmura'y kumakalam
dahil laging walang ulam
Lalo sa sang tulad ko
Salat sa kahit na ano
Kayamanan man o ginto.

Mahirap man ang biyahe
ng isang buhay estudiante
Ay kailangang dumiskarte
nang walang agam-agam
Hatid ma'y di ko alam
Kasawian ma'y ramdam
Dahil sa sang tulad ko
Pag-asa'y makakamtan ko
Kung may matapos din ako.

Sa mga kapwa estudiante
Galingan nyo sa biyahe
Nang kayo'y di madadale
o maglustay lang ng pera
Ng iyong mahal na ama't ina
na hirap at nakukuba na
Sa pagpaparaaral sa inyo
Kahit buhay nila'y namimiligro
dahil sa kanilang sakripisyo.

Huwag masyadong magasta
o maging isang lakwatsera
at malululong sa mga droga
o ano pa mang uri ng bisyo
na siyang maglulukmok sa yo
sa kahirapang di mo gusto
Bagkus maging sang uliran
at anak na sadyang huwaran
hatid ay saya sa isang tahanan.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
MELVIN BANGGOLLAY

MELVIN BANGGOLLAY

Natonin, Mountain Province, Philippines
Close
Error Success