Bokya Ang Valentine :) Poem by Bojoy Barredo

Bokya Ang Valentine :)

Araw ng mga puso
Ngunit ako'y nasa klasrum
Guro ko'y kalbo
Nagtuturo ng nakakahilong numero

Ako'y namangha
Hindi naman pala nakaka-dismaya
Ang pagtuturo niya'y maganda
Subalit ako ay nalula

Ang bilis magsalita
Na para lang si Bamboo
Iksplinasyon parang awit na kung tawagin ay rap
Na may kasama pang mura

Praksyon, integers, kasama istatistika
Maning-mani sa kanya
Pero ang nakaka-bilib
Pati curriculum development kinana pa

Minsan ako'y inaantok
Pero ito'y nawawala kapag palakad-lakad
Ang guro kong kalbong hamak
Na kahit nakatalikod para ding nagra-rap

Araw ng mga puso parang mabo-bokya pa
Wala pa si kupido, ayaw atang magpakita
Sabagay, gusto kong isipin na iba ang pumana
Pakawalan mo na kami sir choi nang makapag-date na

Sunday, February 14, 2016
Topic(s) of this poem: laughter
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success