Bansa Natin Ay Ingatan Poem by Obed dela Cruz

Bansa Natin Ay Ingatan

Bansa natin ay ingatan.
Simulan natin sa mga puno.
Panatilihin silang malago.
Sana’y ‘wag natin silang putulin.
Sila ay mahalaga sa atin.

Bansa natin ay ingatan.
Ang kapwa tao’y ating tulungan.
Huwag natin silang pabayaan
Sapagka’t sila’y mahalaga din.
Sila ay dapat nating mahalin.

Bansa natin ay ingatan.
Ang sa bansa’y para lang sa bansa.
Huwag natin itong ibubulsa.
Galangin natin ang Inang Bayan.
‘Wag itong iwanang nasasaktan.

Bansa natin ay ingatan.
Larawan nito’y ating ayusin.
Huwag itong iwanang gusgusin.
Gawin natin kung ano ang wasto.
Panatilihing maayos dito.

Bansa natin ay ingatan.
‘Wag natin itong sugatan.

www.poemhunter.com/obed-dela-cruz
www.princeobed.multiply.com
http: //poetfreak.com/poet/ObedDelaCruz
www.obed-dela-cruz.blogspot.com

Copyright © 2010 by Obed Dela Cruz

(January 23,2010; Marikina City)

(The rights and ownership of this poem belongs to Obed Dela Cruz. To use it in a proper manner, please email him at princeobed_dc@yahoo.com)

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success