Bakit Di Na Lang Ako Poem by jaira joyce

Bakit Di Na Lang Ako

Sabi nila mababaw daw ang kaligayahan ko
Madali akong mapangiti
Madali akong mapasaya
Kaya naman ang lagi ko’ng tanong Bakit di na lang ako?
Ako na lang ang piliin mo.

Simple at hindi sobra, yan ako
Kung may kulang man ay sabihin mo lang
Sabihin mo lang at gagawin ko
Kaya ko basta para sayo, kaya Bakit di na lang ako?
Ako na lang sana.

Kaya kong maghintay hanggang uwian mo
Maaga akong gigising para mag-good morning sayo
Ipapaalala na oras na ng pag-inom ng gamot kung may sakit
Hahatiran ng pagkain sa trabaho, huwag ka lang mag-skip nito
Pupunasan ng pawis, sisiguruhin na malinis ang damit
Araw-araw kong sasabihin na mahal kita
Kaya, Bakit di na lang ako
Bakit di na lang ako?

Hindi ako titingin sa iba
Hindi ako lilingon sa nakaraan
Ika’y nag-iisa dito, sa puso ko
Hindi mo mararamdaman na ika’y hindi mahal
Pagkat bawat minuto ito’y patutunayan ko
Kaya ang paulit-ulit na tanung; Bakit di na lang ako?
Ako na lang sa puso mo.

itetext ka bawat oras
Ihahanda ang gamit mo sa pagpasok
Ipagbabaon ng paborito mo
Magluluto ng hiling mo
Tatanungin kung ayos ka ba?
Yayakapin kung nalulungkot ka
Hahalikan kung nasasaktan ka
Hahawakan ang kamay sa bawat oras, Masaya man o malungkot ka
Bakit di na lang ako?
Ako na lang ang mahalin mo.

Hindi ako nakakalimot ng mga special dates
Matyaga ako kung maghintay
Hindi ako magaling magsinungaling
Hindi man ako perpekto, gagawin ko’ng kumpleto ang pagmamahal sayo mahal
Ako’y nandito
Bakit di na lang ako?
Bakit di na lang ako?

POET'S NOTES ABOUT THE POEM
This is what I feel right now.16 April 2013.
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
jaira joyce

jaira joyce

Philippines
Close
Error Success