Away-Mag-Asawa Poem by Pacific Hernandez

Away-Mag-Asawa

Rating: 3.5

Away mag-asawa'y talagang kay gulo
Maraming aspeto, maraming anggulo
Kani-kanyang panig, kani-kanyang lugar
Na ipagtatanggol, hindi bibitawan
S'an man makarating, magkabukulan man

Me nakita akong away mag-asawa
Ay! Galit na galit si Donya Esposa
'Walanghiya! Go to hell! D'on ka sa impiyerno! '
Ang kanyang sinabi sa kanyang esposo
Kay Commander-in-Chief, ito ang sagot niya
'Di na kailangan, ako'y naroon na,
simula pa noong tayo ay magsama! '

Babae'y nagalit, asawa'y binato
ng nahawakan niyang metal na kaldero.
Strike! kung sa bowling, sa target ay Bulls-eye!
Siya'y nagpapagaling ngayon sa ospital

Sa mga esposo'y ito ang payo ko
Si Commander-in- Chief, huwag susumangin mo
Mananalo sa kanya'y siguradong di ka
At baka sa huli ay magsisi ka pa
He who during the day antagonized his wife
Will have no peace of mind in bed when comes the night

May kakilala akong ‘kala ko’y matapang
Sila ng misis niya’y lagi daw may away
Pag gugulpihin siya at kanyang nalaman
Ay agad niya ito na inuunahan
Tanong ko’y “paano ang ginagawa mo? ”
Sa sagot niya’y tunay na natawa ako
“Kusang binubugbog ko na ang sarili ko”

Sabi sa akin ng aking kaibigan
Kapag sila ng misis niya ay may away
Ang misis niya’y kanya na napapaluhod
Ang tanong ko’y “Pa’no? ” Eto’ng kanyang sagot
“Sa ilalim ng kama ako’y sumusuot,
Luluhod siya para ako’y mahambalos.”

Madalas niyang hamon sa esposang mahal
Ano ba’ng gusto mo, ” Gusto mo ba ng hiwalay? ”
Ang sagot ni misis sa ganitong tanong
“Oo! Ibukod mo, ang puti sa de color! ”

Monday, October 19, 2015
Topic(s) of this poem: marriage
COMMENTS OF THE POEM
Manonton Dalan 29 November 2015

mahusay po kuya....talagang walang tigil ng paghabi ng mga awit ng dibdib

0 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success