Araw Ng Mga Puso Poem by G.A. Meyers

Araw Ng Mga Puso

Araw ng mga puso sa buwan ng Pebrero
Paboritong araw ng maraming tao
Araw ng mga puso'y tanging gusto
Mapatunayan ang pagmamahal niya'y husto

Pagmamahal ay lubos-lubos
Pati ang pera nagkaubos-ubos
Sa araw ng mga puso'y lahat ay masaya
Lahat ay gagawin para siya'y makasama

Araw ng mga puso'y di nalilimutan
Kanilang pangarap gustong maabutan
Sana'y makasama ang isang tao
Kahit sa araw lang ng mga puso

Saturday, July 28, 2012
Topic(s) of this poem: valentines day
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
G.A. Meyers

G.A. Meyers

Manila, Philippines
Close
Error Success