Araw Ng Kalayaan At Kinabukasan Mo, Kabataan Poem by Captain Herbert Poetry

Araw Ng Kalayaan At Kinabukasan Mo, Kabataan

Maluwag, walang higpit at wala ng disiplina
Nagagawa ng magsalita laban sa gobyerno
Karamihan ay nababayaran at naareglo na
Sa kulungan ay nagiging paraiso sa iilan

Ang diwa ng kalayaan ay naiiba ang kahulugan
Nagiging malaya sa mga krimen at patayan
Naging malaya sa pagiging makasarili
Kada segundo ay malaya ang siraan at husgahan

Sana makonsensya ang mga nagnanakaw sa pondo ng bayan
Sa mga buwis na nakukuha sa ating mga magulang,
Na galing sa pinagpaguran na kinukupit lamang
Sana’y maawa na sila at tumanggi sa mga suhol

Ang batas ang pinakamahalaga, puso at kaluluwa ng ating bayan
Kapag ito’y nababayaran ay walang tunay na kalayaan ng bansa
Paglalaruan lang tayo ng mga masasamang banyaga
Mga droga, terorista at mga bawal negosyo’y nakakapasok ng walang takot.

May kalayaan kung ang mga namumuno’y tapat
Ordinaryong mamamaya'y kayang sumunod kung may tutularan
Mga dati'y matitino nung nasa ibaba pa
Ngunit kapag tumaas na ang posisyo’y nilalamon na ng sistema

May kalayaan ang bansa kapag may nagkokontrol o mahigpit na tagabantay
Walang tigil ang mga pagtaas ng tubig, kuryente, at pagkain
Na kailangang-kailangan ng mga malilit at mahihirap
Presyo ng langis na di makontrol na damay lahat ng bilihin

May kalayaan kung mahigpit ang mga tagabantay ng batas
Mga patayan, nakawan, holdapan at mga krimen sa kalsada
Mas tumatalino na yata ang mga modus
Sana’y nasa mataas na kalidad at integridad ang mga kapulisan

Bakit ang mayayaman nating kababayan ay nagbubus lang o nagtetren lang sa ibang bansa?
Kasi dahil ligtas sa kanilang mga kalsada
Dahil dito, pwede ng bawasan ang mga pribadong sasakyan
At damihan ng mga maayos at magagandang pampublikong sasakyan.

Ang totoong kahulugan ng kalayaan ay may malayang kapayapaan, katarungan at paggalang sa kapwa
Ang kalayaan ay pagsunod sa batas kahit karamiha'y ayaw mauna
Ang kalayaan ay pagmamahal sa bayan na may positibong pagtingin kahit marami ng negatibo.
At ang tunay na kalayaan ay pagiging ehemplo sa mga KABATAAN na muling magbabangon at magbabango ng ating bansa patungo tapat at malinis na kinabukasan.

Friday, June 12, 2015
Topic(s) of this poem: independence day
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success