Numerong may pagluluksa sa ating bayang Pilipinas
Dugong dumaloy galing sa gatilyo ng kapwa Pilipino
Dahil sa malalim na prinsipyo'y
kamatayan ng kapwa lahi ang kapalit
Ilan pa ang hihiga sa hukay na dadaloy ang mga luha ng mga musmos na mga anak at mga nangungulilang mga mahal sa buhay?
Sa mga litrato na lang makikita ang mga mata ng kagitingan
Hindi na maaninag ang kanilang mga ulo dahil sa malalaking butas na tama ng malalaking bala sa kanilang mga mukha
Tila sabog ang mga bungo at malaking butas na tagos-tagusan
Halos hindi na mamukaan sa hirap na tinamo ng mga alagad at bayani ng bayan
Galit, poot, paghihiganti, matinding awa, nakakarimarim?
Ngipin sa ngipin, giyerang puwersa, malawakang pagtugis?
Bilang isang tuldok lamang sa milyong Pilipino ay hangad pa rin ang kapayapaan
Pangarap na wala ng mga armas dahil sa mga adhikain
Sa paghahatid sa himlayan sa kanila ay pumikit na rin ang mga mata upang madama ang bulong ng puso sa paghahawak kamay sa isang dugong Pilipino
Sa Apatnaput-apat na ito'y apatnaput-apat na libong taon din sana ang katahimikan
Sa Kanila, na nagbuwis ng buong buhay dahil sa bayan at batas
Maraming susunod at magsasakripisyo rin na maging tapat sa kaban at magbuwis ng buhay upang iahon ang antas ng kahirapan ng mga ordinaryong juan de la cruz ng bayan at maglaho na ang giyera ng korupsyon sa pinakaugat ng pinaka-ilalim ng puso.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem
An heroic and bravery of SAF troopers WELL DONE