Anino Ng Kahapon -Sa Tagsibol- Poem by Marites C. Cayetano

Anino Ng Kahapon -Sa Tagsibol-

Anino ng kahapon
hanggang kailan mo yayakapin
iyong sarili'y
hanggang kailan pahihirapan.

Masdan mo
kahit sa tigang na lupa
mga munting usbong
nagpupumilit mamukadkad
upang sa iyo'y
ganda nila'y ipang-aliw.

Hayo ka na
at sa iyong lungkot ay magpaalam
anino ng kahapon
ay tuluyan mong iwan
at ang handog ng tagsibol
na bagong pag-asa
ay siya mong yakapin
sa iyong puso.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success