Ang Aking Kahapon, Ngayon, At Bukas Poem by Xian Sutrof

Ang Aking Kahapon, Ngayon, At Bukas



Makakalaya pa ba ako sa buhay na kinagisnan ko?
Buhay na tila nakakulong sa mundong hawak ko
Isang mundong malabong maintindihan ng karamihan
Maiintindihan lang ng taong may malawak na isipan.

Sa panibagong yugto ng buhay ko ngayon
Makakaya ko bang baguhin ang aking kahapon?
Ito'y mahirap gawin, pipilitin ko man
Inspirasyon ang kailangan para sa tatahaking daan.

Alam kong malayo pa ang umaga ng hinahangad kong bukas
Marami pang dagok na susubok sa tibay ko't lakas
Subalit Panginoon pa rin ang may hawak para sa magiging wakas
Ang tanging magagawa ko'y manalig ng walang kupas.

Anuman ang makamit ko bukas ng aking kahapon
Yon ay karugtong ng aking ngayon
Kaya sa bawat panahong lilipas
Ako'y mananatili sa matuwid na landas.

06/26/'10
msu

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success