Ang Aking Adiksyon Poem by Evory Grace Garcia

Ang Aking Adiksyon

Minsan naisip ko bakit ba ako nagkakaganito
Hindi ko magawa ang lumayo sa iyo
Kahit pa nga alam kong iba ang gusto mo
Ikaw pa rin ang gusto at mahal ko

Naiinis ako sa sarili ko
Bakit kasi laging ikaw ang iniisip ko
kahit naman minsan hindi ako pumasok sa isip mo
Lagi na lamang binabalewala mo

Kapag nariyan ka para akong nakatira ng droga
Ang energy ko ay sagad talaga at walang kapares ang saya
Kapag sa paningin ikaw ay nawala na agad hinahanap ng mata
Ikaw na nga siguro ang aking adiksyong kakaiba

Sana ako’y iyong tulungan sa ganitong kabaliwan
Rehab ba ang kailangan upang bumalik ang katinuan
Upang magising sa katotohanan na ito’y walang kahahantungan
Kung ipagpapatuloy ko ang adiksyong ito lalo lang akong masasaktan

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
1 / 3
Evory Grace Garcia

Evory Grace Garcia

Lipa City Batangas
Close
Error Success