Alam Kaya Nya (Tagalog) Poem by Jayson C

Alam Kaya Nya (Tagalog)

Habang kinukwento mo mga problema mo sa kanya,
Hinihiling ko na sana ako sya,
Habang sinasabi kong 'wag mag alala, mahal ka nya'
Sa isip ko, 'sana iwan mo sya kasi mas mahal kita'

Sa bawat punas ko sa mga luha mo,
Hiling sana dahil sa pagtawa nalang.
At sa mga bawat yakap ko sayo,
Sana hindi lang pagdamay ang dahilan.

Alam kaya nya na umaasa ako sa kanya
Kahit konti ako'y mapansin nya sana
Masyado syang problemado sa mahal nya
Alam kaya nya na mahal na mahal ko sya.

Sunday, October 4, 2015
Topic(s) of this poem: friend,secret
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success