Anghel mula sa simula't pagsilang
Kinalinga ng sapat na pagmamahal
Inaaruga ng kada minutot oras
Bantay at alaga sa yugyog at paghele
Maputi pa ang inosenteng kaisipan
Pakpak na dalisay sa kabutihan
Pagtingin sa lahat ay mabuti't tama
Walang bahid at libag ng kasamaan
Subali't unti unting nakukulayan ang kamusmusan
Humahakbang na sa linya ng kaitiman
Hindi na maaninag at makita ang kulay ng katotohanan
Kasalanan ay nagagawa na lang ng walang kamalayan
Humingi ng gabay sa pagtalikod sa kalikuan
Akayin sila ng may kababaan at pagmamahal
Pawiin ang mga apoy at lagablab ng kamunduhan
Maging ulan na galing sa pinong batis sa pag ibig ng buhay.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem
A river that flows ones transition of purity