Agham At Teknolohiya (Science & Technology) Poem by Syl Espina

Agham At Teknolohiya (Science & Technology)

Mga kababayan ko, alam mo ba?
Alam mo na ba ang balita?
Sa ibang bansa’y halaman ang gamit
Sa pagpapailaw ng kanilang tahanang marikit.


Talaga? ! Aba’y balitang ayos yan!
Ngunit paano natin masusundan yan?
Ano’ng mahika ang gamit nila
Upang magawa ang kamangha-mangha?


Hindi mahika o abracadabra ang gamit nila
Kundi Agham at Teknolohiya
Agham at Teknolohiya
Sa pag-unlad ng isang bansa.


Mga kababayan ko, gusto mo ba?
Gusto mo bang buhay ay gumanda?
Gusto mo bang buhay ay gumaan
At bansa nati’y hindi lang isang daanan?


Tara na! Tayo’y mag-aral ng Agham!
Mag-aral nang walang agam-agam
Alamin natin ang mga Teknolohiya
Na kailangan ng ating bansa.


Maraming basurang nagkalat,
Pati mga buto at balat
Ano ang maaring gawin
Upang may bagong tuklas dito sa atin.


Hindi mo kailangan maging eksperto
O dalubhasang mekaniko
Ang kailangan lang ay taos ang puso
Sa pagtulong na umunlad tayo.



Bata o matanda, babae o lalaki
Pinoy na maipagmamalaki
Dahil sa angking talino
Sa paggawa ng bagay na moderno


Lagi nating isipin ang Pilipinas
Sa Agham at Teknolohiya ipamalas
Ang makabansang damdamin
At tunay na mithiin.


Tayo’y magsama-sama
Sa Agham at Teknolohiya
Aralin nang taimtim
Upang mawaglit ang dilim.


Dilim ba kamo?
Aba’y totoo sa bandang dako
May mga tao roon
Na di alam kung ano ang cellphone


Kaya, tara na! Mag-aral ng Agham
Mag-aral nang walang agam-agam
Tumuklas ng mga Teknolohiya
Na kailangan ng ating bansa.


Agham at Teknolohiya
Para sa maunlad na bansa
Agham at Teknolohiya
Para sa iyo at kanya


Agham at Teknolohiya
Para sa bata at matanda
Agham at Teknolohiya
Para sa ating bansa!

Saturday, October 3, 2015
Topic(s) of this poem: progress,science,technology
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
1 / 18
Syl Espina

Syl Espina

Philippines
Close
Error Success