Aaaaaaaaa1 Poem by Aiyabells 002

Aaaaaaaaa1



We have 5senses, we have 1heart, we have 1brain... we love once, we get hurt a lot. Wanna know why? We feel too much.

- MANAGER REE'S VOICE -


'Syntax Error bids goodbye. A lot is confused, they are all asking 'why'? Is it because they lost MSX final round battle? Really Syntax Error, why? '


Pinatay ko na yung tv, medyo naiinis ako... sa tingin ba ng publiko na ganun kababaw ang SE para mag-quit sila dahil lang sa natalo sila sa MSX battle? If only they knew, SE doesn't give a fig anymore of that battle. They did not disband themselves because they lost, even before the battle was over they already decided to leave and say goodbye.


The reason?


The one who pulled them up when they were almost unable to stand up from falling to all those disasters they went through is also the same person who wants to push them down now. It hurts them, especially to Corrine, she treated Momo like a little sister already. Napalapit na ng husto ang loob nito kay Momo dahil noon nung may live practice sila sa park at walang nagpunta, gusto na nun sumuko ni Corrine pero dahil kay Momo at dahil sa wagas nitong suporta para sa banda ay nagkaroon ulit siya ng lakas ng loob para tumugtog. Si Momo ang rason kung bakit gusto niya pang tumugtog muli sa kabila ng mga nangyaring gulo noon sa kanilang banda.

Pero ang sabi ni Corrine na kung yung taong laging nasa tabi nila at laging sumusuporta sa kanila ay ngayon sumuko na sa pagmamahal sa kanila ay parang nawalan na siya ng gana dahil aanhin niya pa daw ang maraming fans kung wala na yung number #0 fan nila.

'Once you lose that one person that appreciates you the most, nothing makes sense anymore. Parang iba na kasi pagkatapos, hindi na katulad ng dati yung saya na mararamdaman mo sa tuwing tutugtog ka.'

Yun ang mga salitang binitiwan ni Corrine at nag-quit na siya sa banda.

At kung wala na si Corrine sa banda, malamang magqu-quit na rin si Zeke. Dahil sa uuwi si Corrine sa probinsya ng lola niya sa Bisayas ay susunod dito si Zeke bilang boyfriend nito. Nakapagdesisyon na silang magbabago na sila ng buhay kasi buong buhay nila ay sa musika na nila nailaan kaya siguro naisip nila na mag-unwind na muna or better yet, it's time for a change.


Ganun na din si Sync na hindi pa rin matanggap na nagawa niyang saktan ng ganto si Momo to the point na naging kalaban nila ito. Gaya ni Corrine, ayaw niya na rin magpatuloy sa pagtugtog at pati na rin sa pagkanta, hindi niya makakayanang makita si Momo sa karibal na banda at sabi niya na siguro ito na yung pinakatamang parusa para sa kanya sa lahat ng ginawa niya kay Momo.

'She's taking her revenge and I think this is what Momo wants so I'm going to quit the band.'

Yun naman ang mga huling sinabi ni Sync bilang leader ng Syntax Error.


At kung wala na sina Corrine, Sync at Zeke... ano pa ang maituturing na banda ni Mirko? Masakit man para sa kanya ay siya na ang nagpahayag ng ultimatum,

'So let's disband Syntax Error? ' nakangiti pa nun si Mirko na halata naman sa espresyon ng mukha niya na pinipilit niya lang ngumiti dahil sigurado nasasaktan siya ng sobra, sino bang hindi masasaktan na mawalan ng grupo na halos tinuring mo ng pamilya? Alam ko kung gaano kasakit iyon, I also had a band once.

Isa isa kaming tumango at sa huling pagkakataon ay nagyakapan kami at bago sila magsialisan, kinuha nila ang mga instrumento nila. Tinanggal nina Sync, Mirko at Zeke ang sticker sa mga gitara nila na may nakasulat na Syntax Error at tinanggal naman ni Corrine ang sticker sa drumsticks niya at habang ginagawa niya iyon ay bumagsak nanaman ang mga luha niya at sinabi,

'Parang kamakailan lang ang saya pa nating tumutugtog tapos... naririnig ko pa yung sigaw ni Momo na 'Go Syntax Error! I love you! Go SE! ''

Corrine almost broke down that time at buti na lang at andun si Zeke para alalayan siya.


Yung sa MSX final round, yun na yung last performance nila at hanggang dun na lang yun. No more Syntax Error, they are gone.



Tatlong araw pa lang nakakalipas simula ng mawala ang SE but it seems like a year had passed already. Si Corrine at Zeke ay naka-low profile na sa probinsya ng lola ni Corrine, si Mirko naman ay bumalik ng Italy para makita ang mga magulang dahil miss niya na din naman daw ang mga ito, at si Sync ay umalis na din ng bansa at walang pinagsabihan kung saan daw siya tutungo pero ang sabi niya ay matatagalan daw bago siya muling bumalik sa Pilipinas.


Pero bago umalis si Sync ay may hinabilin itong sulat sakin na ayon sa kanya ay iabot ko daw kay Momo after a month ng pag-alis niya para kahit papaano kumalma muna ang galit ni Momo bago nito mabasa ang sulat ni Sync.

Pero dahil may pakay na rin lang naman akong puntahan sa Runaway ay idadaan ko na rin ang sulat ni Sync para kay Momo tutal patagalin man ito o hindi, wala na rin mababago. Wala na yung dati, game over na kumbaga.


Tumayo na ako sa aking sofa at umakyat na sa kwarto para magpalit ng damit at pumunta sa Runaway.


Sa gig house kung saan ang alam ko ay matatagpuan ang Runaway...

Bukas ang pinto at nabigla sila ng makita ako lalong lalo na si Momo... sila lang banda ang nandun at wala ng ibang tao, private practice ata or something like that.

'Manager Ree...'

Nginitian ko si Momo at tinanong sa kanya, 'Nasaan ang manager niyo? '

Yung leader ng banda nila ang sumagot sa aking tanong, 'Nasa bahay niya ata.'

'Ahh salamat, ' bumalik ang tingin ko kay Momo at inabot sa kanya yung sulat, 'Para sayo, galing kay Sync.'


Nanginginig na inabot niya ito at pagkatapos nun ay tumalikod na ako para umalis pero naramdaman ko bigla ang kamay niyang pumigil sa braso ko.

'Manager Ree, a-ano...' her voice is breaking as she speaks, 'K-kamusta na ang Syntax Error? '


Lumingon lang ang ulo ko sa kanya at malungkot na ngumiti, 'Wala ng Syntax Error.'


Inalis ko na ang kamay ni Momo sa braso ko at naglakad na sa may pinto para lumabas pero nung nakahawak na ako sa may doorknob at bago ako tuluyang lumabas ay nagsalita akong muli, 'Momo, patawarin mo na si Sync. Pinarusahan niya na ang sarili niya, they quit because they don't want to see you hurting. So I hope you free yourself from anger and learn to forgive Sync so you can be happy already and be able to smile again dahil alam mo ba, yun ang gustong mangyaring muli ng Syntax Error - - to have their once number #0 fan's smile back.'

At lumabas na ako ng tuluyan.


It's time to talk to that guy. Siguro masaya na siya ngayon?


Sa bahay ni Luke Mnemosyne....

Dahil kilala na ako ng mga katulong sa bahay ni Luke dahil pumupunta naman na ako dati dito ay hindi ko na kelangan pang mag-doorbell dahil pinapasok na nila agad ako at hinatid kung nasaan andun si Luke.

Nasa may sala siya nun at nadatnan kong may kasama siyang lalaki at nag-toast pa sila ng mga baso nila habang may wine bottle na pinatong si Luke sa table na maliit sa sala nito.



'Luke, ' napatingin silang dalwa sakin pagkatawag ko kay Luke. Nabigla naman ito pero kumalma din agad at ngumiti tapos tinaas ang basong hawak na parang nag-aaya.

'Wanna join our celebration to the disbandment of Syntax Error? ' nangaasar pa yung ngiti niya.

'YOU! ' turo ko dun sa kasama niya na hindi ko kilala.

'I have a name, it's Memo.' sabay nitong inom sa baso niya.

'Yeah whatever, if you'll excuse me, can you leave us? Thank you, ' my tone wasn't really asking rather I was ordering him to leave-

'Oh sure, I'll excuse you.' tumayo na siya, pinatong sa table yung etched martini glass niya at naglakad na paalis habang nakapamulsa but when he passes by my side, I saw him smirk and all of a sudden I feel goosebumps. Like who was that?


Err.... anyway back to business dahil kami na lang ni Luke ang naiwan dito.

'So what do you need? ' he says in a cold tone.

I stomp my way to him, grab the wine bottle, open it and throw what's inside of it to him and that absolutely shocks him, 'You're happy now? '


'Are you happy that your younger brother lost his band and not only that but also those girls who are special to him? ! ' I'm going hysterical already, 'Are you happy that your brother is in such great pain right now? '

'He deserves it, ' sabi niya habang pinapagpag niya ng kamay ang nabasang damit.

'He does not deserve that! Luke, kelan ba papasok diyan sa kokote mo na walang kasalanan ang kapatid mo kung bakit nawala ang banda natin ha? ! Kelan mo ba ititigil ang pagsisi sa kanya ang bagay na hindi niya ginawa? Luke, it's not his d4mn fault kung may favoritism ang dad niyo! Don't put the blame on him, kawawa ang kapatid mo! '

Tumayo si Luke at nilapitan ako, bigla niyang hinawakan ang baba ko at mariin na inangat ang mukha ko sa kanyang tingin habang ang isa pang kamay niya ay mariin ding nakahawak sa kaliwang braso ko at galit na sinabi, 'Stop defending him! '

'I'm not defending him, ' umiwas ako ng tingin at mahinang sinabi, 'I'm defending you, I'm defending you from being eaten by your anger and jealousy. Stop it Luke, it's almost 7years since that tragedy happened, don't you think it's time to move on? '

'Move on? ! You think that's easy for me? I lost the thing I love doing, I lost my band, I lost my music, I lost my friends, I lost the love I once had for my family and above all... I lost the girl I love, ' tinignan ako ni Luke with mixed anger and pain in his eyes, 'You think I could just move on like nothing happened? '

'Pero sa banda natin, ikaw na lang ang hindi makaalis sa nakaraan! '

Inalis niya yung kamay niya sa baba ko at ngayon hawak niya na ako sa magkabilang braso, 'I lost everything Ree, so tell me how do you move on if you have nothing left with you but your past? ! '


Nararamdaman ko na pahigpit ng pahigpit ang hawak niya sa braso ko na feel ko anytime babakat na yung mga kamay niya, 'Ano ba luke, ang sakit! Bitawan mo nga ako! '

'Kahit kelan hindi kita binitawan Reena, ' nabigla ako ng tawagin niya muli ako sa buong pangalan ko pero mas nabigla ako ng halikan niya ako. Pero... gusto man ng katawan at puso kong tugunan ang halik niya ay sinasabi ng utak ko na 'Huwag! Hindi tama.'.


Kaya naman nagpumitlag ako sa kanya at pilit na tinutulak siya palayo sakin pero ang higpit talaga ng hawak niya sakin at unti unting nagiging marahas ang halik niya. Feeling ko nga magdudugo na ang labi ko sa halik niya.


Sa wakas bumitaw rin siya sa mga labi at braso ko pero nabigla naman ako nang bigla niya akong binuhat gamit ang dalwa niyang kamay habang dinadala ako paakyat ng bahay niya.

Nagsisigaw ako habang sinusuntok siya sa kanyang dibdib para ibaba ako, 'LUKE! ANO BA, IBABA MO KO! IBABA MO AKO! ! ! '

Pero wala siyang imik at hindi ako pinapakinggan hanggang sa nakarating kami sa kwarto niya, sinara niya ang pinto ng kwarto niya at nilock ito habang buhat pa rin ako.

'LUKE ANO BA! ! ! AHHH-! ' napapikit na lang ako kasi nung madala niya ako sa tapat ng kama niya ay bigla niya akong ibinagsak pero buti na lang malambot yung kama kaya hindi masakit.

READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success